Ang maging isang simpleng babae at manggaling sa isang simpleng pamilya ay mahirap ngunit masaya. May mga panhong naka-aalwan ngunit mas madalas ang pagdarahop, Minsan di ko mapigilang mangarap kahit pa ang taas ng tirik ng araw.
Hindi mansion ngunit maganda at maayosna ang bahay namin. Maluwang at naaalagaan na mabuti ang aming bakuran,Hindi na rin pinapasok ng baha. Napatapos kop na rin ng kolehiyo ang aking mga kapatid. Sagana sa pagkain at hindi na problema ang pambayad sa kuryente. Ako, pagdating ng sampung taon ,mula ngayon ay isa ng abogado-tulad ng pangarap ng mga magulang ko sa akin.
May sariling opisina upang ayusin ang mga problemang ligal. Iginagalang ngunit katiting na yabang sa sarili ay wala. Marahil ay may sarili na rin akong pamilya at malapit ng magkaroon ng panganay sa aking napiling pakasalan. Matiwasay at kuntentong buhay ang tinatamasa. Higit sa lahat, tapat na tumutupad ng mga tungkulin sa Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia.
Masarap mangarap, at sinisiguro kong hindi mananatiling pangarap ang mga iyon. Kaya hintayin mo lang ako ako, pangarap ko. Andiyan na ako.. Hintayin mo lang ako.
Miyerkules, Oktubre 5, 2011
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)