Miyerkules, Oktubre 5, 2011

sampung taon mula ngayon,heto na ako!

Ang maging isang simpleng babae at manggaling sa isang simpleng pamilya ay mahirap ngunit masaya. May mga panhong naka-aalwan ngunit mas madalas ang pagdarahop, Minsan di ko mapigilang mangarap kahit pa ang taas ng tirik ng araw.
Hindi mansion ngunit maganda at maayosna ang bahay namin. Maluwang at naaalagaan na mabuti ang aming bakuran,Hindi na rin pinapasok ng baha. Napatapos kop na rin ng kolehiyo ang aking mga kapatid. Sagana  sa pagkain at hindi na problema ang pambayad sa kuryente. Ako, pagdating ng sampung taon ,mula ngayon ay isa ng abogado-tulad ng pangarap ng mga magulang ko sa akin.
May sariling opisina upang ayusin ang mga problemang ligal. Iginagalang ngunit katiting na yabang sa sarili ay wala. Marahil ay may sarili na rin akong pamilya at malapit ng magkaroon ng panganay sa aking napiling pakasalan. Matiwasay at kuntentong buhay ang tinatamasa. Higit sa lahat, tapat na tumutupad ng mga tungkulin sa Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia.
Masarap mangarap, at sinisiguro kong hindi mananatiling pangarap ang mga iyon. Kaya hintayin mo lang ako ako, pangarap ko. Andiyan na ako.. Hintayin mo lang ako.

Sabado, Setyembre 24, 2011

sino ako

Nakahiga, tulala at lumalayag ang isipan. ang malamyos na tugtoug sa silid ay nagiging  tugtog rin ng mga bagay na aking iniisip. Nalulungkot nanaman ako, nilisan na kasi ako ng isa sa pinakamamahal ko. Sa kaniyang pagkawala ay tila gumuho ang lahat ng aking pangarap. Lumilipas ang mga araw at habang tumatagal ay hindi ko na nakikilala ang aking sarili. Mula sa pagmumuni muni, sinubukan kong balikan lahat- mula simula.
Ipinanganak ako noong Pebrero 13,1994. Panganay ako bsa tatlong mga anak nina Elaine Temperante at Joel Laurencio Ang buhay namin ay simple lamang. Ang aking ama ay isang guro sa Wesleyan University-Philippines sa College of Criminal Justice Education samantalang ang aking ina ay isang maalaga at mapagmahal na ina. Lumaki at nagkaisip ako sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija. Mula pagkabata, paborito ko na ang lahat ng luto ng nanay ko.Mahilig rin akong humingi ng mga pasalubong sa tatay ko kahit na hindi ko alam kung saan siya nagtatrabaho noon.
Hindi tulad ng ibang bata, nasanay ako na katabi ang lola ko sa pagtulog. Sakaniya rin ako natutong manalangin. Masigla akong kaanib sa Iglesia ni Cristo mula pagkabata dahil doon ako sinanay ng aking mga magulang.Paborito ko ang mga kulay na berde at itim at pangarap kong maging isang tagapag-balita at guro mula noon hanggang ngayon.
Tinapos ko ang aking elementarya  at hayskul sa pampublikong paaralan sa Guimba. Mula elementarya, paborito kong asignatura ang English at Filipino at lahat ng may kinalaman sa pakikipag usap sa tao. Noong hayskul, natapos ko ang aking pag aaral ng hinda natatanggal sa Science Class. Sa kasalukuyan, ako ay nasa pangalawang taon na sa Central Luzon State University, kursong AB Development Communication.
Naisip ko,naka-programa ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sunud-sunod.Siguro kasama na doon ang mawalan ng lola. At katulad ng ibang pangyayri sa buhay ko, lilipas rin ang sakit na ito katulad ng paglipas ng lahat ng kasiyahan na aking nadama noong buhay pa si lola.
Isang desisyon tuloy ang aking nabuo. Hindi ako titgil mabuhay.Lalaban ako hanggang sa huli.Bumangon ako, lumabas ng silid. Sisimulan ko na lahat ng aking naisip- ngayon na.